Salamin
Ikaw ba'y lumuluha? bakit? sinong maygawa?
takot ba ang yong nararamdaman?
wag kang mangamba ako rin nama'y takot din ang nadarama
bakit di ka kumikibo?
tignan mo nga tuloy-tuloy ang daloy ng luha mo .
Ilabas mo yang nararamdaman mo
para namang gumaan ang loob mo
bakit di ka makasalita? napipi na ba sa tako't pangamba?
dahil saan ba? sa akala mong iiwan kita?
Diba nga sabi ko'y sasamahan kita
Kaya tama na, nandito lang ako para alalayan ka
Ano ba ang dapat gawin upang mapawi 'yong lungot?
ako'y gulong-gulo sa kaiisip, yan tuloy noo ko na ay nalulukot
tama na pakiusap ko sayo, pati ako'y naluluha kasabay ng hagulgol mo.
Teka! anu ba tong dumadaloy sa aking pisngi?
tulad ba to ng sa iyo?
oo nga magkasing pait nga
bakit di ko namalayan luha mo't akin ay iisa lamang
Nabulag na nga ako, pati sarili ay di napapansin
nakatingin pala ako sa isang salamin
sakin pala lahat ng pangamba't pagpipighati
na kanina ko pa pinahihinto ngunit sawi
Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan
ako'y iniwan mong hndi nag papaalam
heto pa ako nag mimistulang tanga
nakikipagusap sa sarili ko na dati'y mga sinasabi niya |